LUNGSOD NG MALOLOS — Limang micro small and medium enterprises o MSMEs ng Bulacan ang lumahok sa kakatapos na 2019 National Trade Fair na ginanap sa SM Megamall.
Kabilang sa lumahok ang Balai Kabute Farm, Joyful Garden Organic Farmers Association Inc., Jun and Mila Burdahan, Haspe Design Studio, at Nolan Lucas Homemade Food Products.
Ayon kay Department of Trade and Industry o DTI OIC-Provincial Director Ernani Dionisio, layunin ng ng trade fair na mapalawak at makilala ang mga MSMEs sa domestic market. Hinihikayat din ang mga exhibitors na mag-engage sa green practices.
Ang 2019 National Trade Fair ay inorganisa DTI katuwang ang Bureau of Domestic Trade Promotion.