Mga pulis itatalaga bilang quarantine rules supervisor sa mga barangay

CAMP CRAME – Inutusan na ni Joint Task force Covid shield commander Police Lt. General Guillermo Eleazar ang mga local police commanders na isumite ang mga pangalan ng kanilang mga tauhan na magiging “quarantine rules supervisor” o QRS sa bawat baranggay.

Sa isang news briefing ay sinabi ni Eleazar magkakaroon ng QRS ang 42 libong barangay sa buong bansa na siyang magmamando sa mga baranggay tanod sa pagpapatupad ng mga quarantine rules and regulations.

Ayon pa sa opisyal, sa pamamagitan nito mas magiging malaki ang responsibilidad ng mga pinuno ng barangay sa pagtiyak na sumusunod sa quarantine regulations ang kanilang mga residente.

Dagdag pa ni Eleazar, ang presensya aniya ng pulis ay para tiyakin na sumusunod ang mga tao sa kanilang mga barangay tanod.

Bukod sa mga barangay tanod, ang mga City at Municipal Public Order and Safety personnel ay tutulong din sa enforcement o pagpapatupad ng quarantine regulations sa mga places of convergence tulad ng mga pamilihang bayan.

Ayon kay Eleazar, ang istriktong pagpapatupad ng mga quarantine regulations sa barangay level ay para matiyak na bawat komunidad ay mapapngalagaan laban sa pagkalat ng COVID-19.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews