200 pomelo tree seedlings, itinanim sa Angat

DOÑA REMEDIOS TRINIDAD, Bulacan — May 200 pomelo tree seedlings ang sabay-sabay itinanim sa kabundukang bahagi ng barangay Banaban sa Angat ng mga tauhan mula sa ibat’ ibang sangay ng pamahalaan katuwang ang civic organizations.

Nagkaisa ang Department of Environment and Natural Resources pamahalaang barangay ng Banaban, 48th Infantry Battalion o 48th IB ng Philippine Army, 2nd Provincial Mobile Force Company, Angat Municipal Police Station at Angat Traveler’s Club na taniman ang nasabing bahagi upang isulong ang pangangalaga sa kalikasan sa kabila ng nararanasang pandemic dulot ng COVID-19.

Ayon kay 48th IB Commanding Officer Lt. Col. Felix Emeterio Valdez, kahit sa gitna ng pandemya ay kailangan magkaisang tulungan na mapanatili ang kagandahan ng likas yaman na siyang pinagkukuhanan ng pang-araw araw na pangangailangan.

Dagdag pa ni Valdez, responsibilidad ng bawat Pilipino na pangalagaan ang likas yaman upang magkaroon ng balanse sa kalikasan.

Ang nasabing gawain ay nakapaloob rin sa Infrastructure and Resource Management na isa sa mga lines of effort ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews