Department of Agriculture, pinaghahandaan na ang La Niña

Pinaghahandaan na ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng epekto sa rice-farming region ng papasok na La Niña.

Inanunsyo ng DA na nakapag-develop na ang PhilRice ng hybrid rice varietis na may kakayahang mabuhay sa panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Dr. Fidel  Ramos, tagapamuno ng Public Hybrid Rice Seed Systems Project ng PhilRice, lumitaw na anim na varieties ng hybrid rice ang isinalang sa ekperimento sa isang demonstration farm.

Umabot sa dalawampung rice  farmers, mga seed company representatives, at PhilRice staff ang nangasiwa sa demo farm.

Lumilitaw na nagpakita ng magandang ani ang naturang mga varieties matapositinanim  sa wet season.

Ang pagbuo ng mga hybrid rice techno-demo farms sa mga piling  PhilRice stations sa mga state colleges at universities ay bahagi ng Rice Resiliency Project  ng DA.

Layon nito na maitaas ang produksyon ng palay at makamit ang target na  sufficiency level  mula sa kasalukuyang 87 patungong 93%. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews