UNC Bataan tuloy ang expansionsa TVL courses, tulong ni Rep. Roman Tiniyak 

Nagsilbing guest of honor o panauhing pandangal si Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman sa ginanap na pagdiriwang ng ika-7 taong anibersayo ng University of Nueva Caceres-Bataan (UNC-Bataan) at ng Bataan Peninsula Educational Institution Inc. (BPEI), kamakailan.

Kasabay ng selebrasyon ang pagtatapos ng 21 mag-aaral sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) para sa kursong Food and Beverage Services (FBS).

Pinangunahan ang pagtatapos nina Tesda Bataan Provincial Office Provincial Director Dr. Julie Ann Banganan, Pangulo ng UNC Bataan na si former Congressman at dating SBMA Chairman, Felicito C. Payumo at Fernando Manalili, Tagapangasiwa ng UNC-Bataan.

Ayon sa pamunuan ng UNC, lalong pinatingkad ang okasyon sa pagdating Congresswoman Roman na anila ay siyang nagsikap upang maihandog ng libre ang training na ito sa mga mag-aaral na siyang personal na naggawad ng mga sertipiko.

Ang bawat mag-aaral o estudyante ay tumanggap ng Certificate of Completion mula sa BPEI at ng TESDA National Certificate II. Sinorpresa pa ng karagdagang insentibo ang tatlong pinakamahuhusay na nagsipagtapos, mula pa rin sa opisina ni Congw. Roman.

Bilang tugon ay nagbigay ng mga natatanging bilang at nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat ang mga piling graduate. Ayon sa kanila, ang pagkakataon na makapagtapos sa kursong ito ay lalong makapagbubukas ng mga oportunidad sa kanila upang mapabuti ang kanilang buhay at ng kanilang pamilya.

Sa pagtatapos ng programa ay siniguro ni Congw. Roman at ng UNC-Bataan/BPEI na palalalawakin ang mga maabot ng Training upang higit na dumami ang matututo ng mga panibagong kasanayan o skills.

Bukod sa Food and Beverage Services, ang BPEI, ang Technical-Vocational-Livelihood o TVL arm ng UNC-Bataan, ay nagkakaloob ng mga pagsasanay sa Agricrop Production, Shielded Metal Arc Welding, Front Office Services at Housekeeping.

Sa media interview kay Chairman Payumo, kinumpirma niya na nakalinya na rin ang UNC na tumanggap ng mga mag-aaral para sa Bread and Pastry Production, Gas Tungsten Arc Welding/Tungsten Inert Gas (GTAW/TIG), Electrical Installation and Maintenance (EIMS), at Computer Systems Servicing (CSS).

Nakatakda na rin aniya na makapagbubukas ng mga panibagong kurso at Diploma ang UNC-B/BPEI upang matugunan ang mga kasalukuyang pangangailangan ng mga industriyang tumatayo sa lalawigan ng Bataan at maging sa nga growth areas ng Central Luzon.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews