Gapan City, Nueva Ecija – Mainit na tinanggap ng mga tagasuporta ang presidential aspirant na si Vice President Leni Robredo at ang kanyang katandem na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa Gapan City, Nueva Ecija nitong Lunes Abril 23, para sa “Anehan Na Naman!: Nueva Ecija Miting de Avance” kung saan mga magsasaka at iba pang kinatawan ng sektor ang sumama sa tandem sa entablado para itaas ang kanilang mga kamay bilang tanda ng suporta sa halalan sa May 9.
Sinabi ni Robredo sa kanyang talumpati na “fake news” ang sinasabi ng kanyang mga kritiko na pinapaboran niya ang elitista.
Binibigyang-diin din ng bise president na ang kanyang “simpleng” pamumuhay at mga proyekto ng kanyang opisina na karamihan ay ang mga mahihirap ang nakikinabang.
Para kay Robredo, walang basehan ang pagsabi na elitista siya hindi na binaggit ni Robredo ang mga nag-aakiusa sa kanya ng pagiging elitista.
Binanggit ni Robredo ang ilan sa mga pro-poor projects ng kanyang tanggapan sa Nueva Ecija, kabilang ang tulong pinansyal at medikal para sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Cabanatuan at Talavera General Hospital, kung saan nagbaba ang opisina niya ng pondo para sa medical assistance para sa mga kababayang kulang ang pambayad sa ospital.
Sa pagtatapos ng rally, itinaas ng mga pari at ordinaryong manggagawa ang kamay ni Robredo at ng kanyang running mate na si Sen. Kiko Pangilinan.
Dumalo rin si Robredo sa isang multi-sectoral gathering sa Cabanatuan City, dito idiniin ni Robredo ang pagbibigay priyoridad sa maritime industry. Dagdag pa ni Robredo, plano niyang i-upgrade ang mga pagsasanay ng mga Filipino seafarers para maging kuwalipikado sila sa mas mataas na sahod.
Kahapon araw ng Martes, Isang maliit na isla at ilang bayan sa Mindoro ang sinadya ni presidential candidate Leni Robredo sa kanyang pangangampanya.
Para kay Robrero, walang maliit o malaking isla, lugar o people’s rally. Dito ipinangako naman niya ang patuloy na suporta sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang sektor.