Aksidente sa Mariveles 3 patay

Nagdulot ng malawakang brownout sa ilang bahagi ng bayan ng Mariveles, Bataan matapos bumangga ang isang humahagibis na truck sa isang poste at isang auto supply store Martes ng gabi.

Base sa inisyal na ulat, tatlo ang naitalang namatay sa nabanggit na road crash kabilang ang driver, asawa nito, at isang bystander.

Sa report ng Mariveles PNP kinilala ang mga namatay na sina Geraldo Ignacio, 45 anyos, driver ng closed van truck at ang asawa nitong si Lloida Sentillas na kapwa naipit sa loob ng truck, kapwa residente ng Tarlac at isang bystander sa lugar na si Jasper Ungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP mabilis umanong binabagtas ng truck ang bahagi ng Roman Expressway sa Barangay Mountain View nang mabangga nito ang isang bystander bago bumangga sa isang poste at sumalpok pa sa isang tindahan sa lugar.

Pahirapan ang pag alis ng mga rumespondeng rescue teams sa wala nang buhay na katawan ng driver at ng asawa nito habang tumilapon naman papalayo ang katawan ng bystander na natumbok ng truck.

Dinala sa isang funeral homes sa naturang barangay ang mga labi ng mga biktima.

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com