Army, Brgy maigting ang implementasyon ng community quarantine

LUNGSOD NG MALOLOS — Mas maigting na implementasyon ng Enhanced Community Quarantine o ECQ ang ipinapatupad ng mga sundalo ng 48th Infantry Battalion o 48th IB kasama ang pamunuan ng barangay Pulong Sampaloc sa Donya Remedios Trinidad.

Sa pagpupulong nina 48th IB Commander Lt. Col. Felix Emeterio Valdez at Kapitan Mamerto De Leon, napagkasunduan nitong palakasin ang pagbabantay sa mga checkpoints, pamamahagi ng quarantine pass upang malimitahan ang paglabas pasok ng mga tao at disinfection sa buong barangay.

Mismong ang kampo ng sundalo na nasasakop ng nasabing barangay ay mahigpit din ang pagpasok dahil dumadaan sa foot bath or disinfection ang kanilang tropa bago makatuloy sa loob ng kampo.

Ayon kay Valdez, seryosong kaso ang coronavirus disease kaya marapat na higpitan ng pulisya at ng lokal na pamahalaan ang implentasyon ng ECQ upang mapigilan na ang paglaganap nito

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews