ASF nasa Mariveles na

BATAAN – Mula sa anim ay umabot na sa pitong bayan sa Bataan ang apektado ng African Swine Fever o ASF.

Pinakahuling bayan na kinumpirma ng Bataan Provincial Veterinary Office ay ang Bayan ng Mariveles matapos magpositibo sa ASF Virus ang blood samples ng mga baboy na namatay sa Barangay Lucanin.

Nauna rito ay nauna nang naapektuhan ng ASF ang mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa, Orani, Samal, Abucay at Orion. 

Tiniyak naman ng Provincial Veterinary Office at mga lokal na pamahalaan ng mga nabanggit na bayan na kontrolado na nila ang sitwasyon sa kani kanilang bayan. 

Paalala ng mga local officials na ang ibinebentang baboy sa kanilang mga pamilihang bayan ay safe kainin at ASF-free basta dumaan sa kaukulang pagsusuri ng kanilang official meat inspectors. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews