Ngayong Lunes ay opisyal nang naiserve ng DILG Hermosa ang Suspension Order laban kay Barangay Sumalo Punong Barangay Rolando “Rolly” Martinez sa Hermosa, Bataan.
Personal na sinaksihan ni DILG Hermosa Chief Vernita La Torre ang panunumpa sa tungkulin ni Sumalo 1st Kagawad Magdalena Sanchez, bilang Acting Punong Barangay ng naturang Barangay sa harap ni Hermosa Mayor Jopet Inton kaninang umaga sa Mayor’s Office.
Sinuspinde ng 5 buwan si Martinez dahil sa “Commission of Crime Involving Moral Turpitude Committed Through Having Extramarital Relations With a Married Woman.”
Noong isang taon ay napanood ng milyun-milyong multimedia viewers ng programang “Raffy Tulfo in Action” ang pag-amin mismo ng naturang opisyal na nabuntis niya ang asawa ng isang OFW na taga Cavite.
Nag ugat ang suspensyon dahil sa reklamo (verified complaint) ng grupo ng mga kababaihan ng Sumalo hinggil sa anila ay “imoralidad” ng kanilang Kapitan.
Walong SB Members ng Hermosa ang sumang-ayon sa pamamagitan ng paglagda pabor sa suspensyon ni Martinez sa pangunguna ni Kon. Regalado Santos, Kon. Floyd Tungol, Kon. Cris Vitug, Kon. Luz Samaniego, Kon. Wilson Valencia, Kon. Bonifacio Florentino, Kon. Angelito Narciso, Kon. Roberto Rosel at SK Pres. Bea Lim.
Nahaharap din si Martinez sa demolition dahil sa patuloy na pagbalewala nito sa utos ng MCTC Hermosa-Dinalupihan na nag-ugat sa kasong unlawful detainer na isinampa sa kanya ng may-ari ng lupa na kinatitirikan ng kanyang bahay sa Barangay Sumalo.