Bataan, anim na araw na walang positibo sa COVID-19!

BALANGA CITY – Sinabi ni Bataan Governor Abet Garcia na ika-anim na araw na walang nadagdag na confirmed COVID-19 sa Bataan habang 107 naman ang nag negatibo sa resulta ngayong araw.

Sa kabuuan, nananatiling labing lima (15) pa rin ang nakarecover na at apat (4) ang pumanaw sa 81 kumpirmadong kaso; 857 ang naghihintay ng resulta at 853 na ang negatibo.

Mula sa kauna-unahang Patient Under Investigation sa Bataan noong January 31, hanggang sa kasalukuyan ay mayroon nang 1,791 na na-test sa buong probinsya.

“Muli, manatili lamang po ang lahat sa kanilang mga tahanan at ibayong pag-iingat pa rin po upang hindi na dumami pa ang kaso sa ating Lalawigan,” palagiang paalala ng Gobernador.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews