Botolan namahagi ng ayuda sa mga mahihirap na senior citizen, PWD

 6 

Namahagi ng ayuda ang pamahalaang bayan ng Botolan sa Zambales sa may kabuuang 1,545 mahihirap na senior citizen at persons with disabilities o PWD.

Ayon kay Mayor Doris Maniquiz, 888 na senior citizen at 657 na PWD ang naging benepisyaryo sa isinagawang pay-out ng Municipal Social Welfare and Development Office para sa unang quarter ng 2021. 

Sila ay tumanggap ng tig isang libong piso.

Ang naturang ayuda ay karagdagang tulong sa mga benepisyaryo para sa kanilang pagbili ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng gamot.