Bulacan nagsagawa ng mobile blood donation, 252 bags nakolekta

LUNGSOD NG MALOLOS- May kabuuang 252 bag ng dugo ang nakolekta sa pamamagitan ng programang Mobile Blood Donation sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Health Office-Public Health at sa pakikipagtulungan ng Central Luzon Center for Health Development- Regional Voluntary Blood Services Program at Damayang Filipino Movement, Inc. kung saan umabot sa 252 bag ng dugo ang nakolekta na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito nitong nakaraang Sabado, July 30

Ang mga Bulakenyong may mahigpit na pangangailangan sa dugo mula sa mga pampubliko at pribadong ospital sa lalawigan ang magbebenepisyo sa mga nakolektang dugo.

Personal na pinasalamatan nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang mga nagbigay ng dugo para sa kanilang kabayanihan na maaaring magligtas ng maraming buhay.

“Maraming salamat po sa inyong ginawang pagmamalasakit sa ating kapwa Bulakenyo. Diyos na po ang bahalang gumanti sa inyong kabutihan,” anang gobernador.

Ilan sa mga grupo na nagbigay ng dugo ang Philippine National Police-Bulacan, Kabalikat, Ulirang Ina, BHW Federation of Bulacan, Triskelion De Bulacan Provincial, 304th Army Reservist, Civil Security Unit, Provincial Civil Security and Jail Management Office, mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, at Pulo ng Iilan Masonic Lodge No. 439.

Bahagi ang programa ng pagdiriwang ng National Blood Donor’s Month sa Lalawigan ng Bulacan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews