Covid-19 positive sa Bataan, 39 na!

Umabot na sa 39 ang bilang ng mga Bataeños na nagpositibo sa COVID-19.

Base sa report ng Provincial Health Office, ang tatlong nadagdag ay isang 31 taong gulang na lalaki mula sa Barangay Tenejero, Lungsod ng Balanga, isang 31 taong gulang na babae mula sa Barangay Munting Batangas, Lungsod ng Balanga, at isang 36 na taong gulang na babae mula sa Barangay Tenejero, Lungsod ng Balanga na pawang mga doctor. 

As of 4:00 p.m. ng April 13, 2020, labing isa na ang naiulat na nakarecover o gumaling na. 

Ang bagong nakarecover na pasyente ay si M58 mula sa Lungsod ng Balanga na kasalukuyang nasa isang pasilidad na itinalaga ng Department of Health (DOH) upang tapusin ang Post Discharge Quarantine.

Samantala, naitala naman ang bilang ng mga PUM sa 2,464; ang mild PUI ay 812; moderate to severe PUI ay 224; at tatlo naman ang naiulat na pumanaw na.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews