DINALUPIHAN, Bataan — Drip irrigation at modern precision farming ang ginagamit ng sampung pilot farm sa bayan ng Dinalupihan sa ilalim ng proyektong 1Bataan Agriculture Innovation and Technology Center o 1Bataan AITC.
Layunin nito na masiguro ang mas masanganang ani at mataas na kita ng mga magsasaka.
Ayon Governor Albert Garcia, ito ay bunga ng Joint Venture Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan at Agrilever Israel.
Ang 1Bataan AITC ay mayrong weather station na nagbibigay ng impormasyon sa posibilidad ng pag-ulan at kung gaano kadami ang tubig na nakukuha ng bawat pananim kung kaya’t linggu-lingo ay pinagpapalanuhan ng mga kawani ng Agrilever, magsasaka at agriculturist ang mga kinakailangan ng mga pananim.
Sili, kamatis, pakwan, talong at kalabasa ang mga pangunahing tanim ng mga piling magsasaka sa bukiring may humigit kumulang isang ektarya na inaasahang aani sa huling linggo ng Pebrero hanggang unang linggo ng Marso.