DSWD, namahagi ng cash card sa 556 senior citizen ng San Marcelino

Namahagi ang Department of Social Welfare and Development o DSWD ng cash card sa may 556 na indigent senior citizen sa bayan ng San Marcelino sa Zambales.

Ang cash card ay naglalaman ng financial assistance mula sa Unconditional Cash Transfer na nagkakahalaga ng 3,600 piso.

Ayon kay Municipal Social Welfare and Development Office Head Sahra Soria, ang naturang ayuda ay tulong upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ani Soria, by schedule o clustering ang isinagawang pamamahagi upang maiwasan ang dagsa ng benepisyaryo at masunod pa rin ang ipinapatupad na health protocols.

Katuwang ng DSWD sa proyektong ito ang Landbank of the Philippines. (CLJD/RGP-PIA 3)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

code

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com