DTI, Bustos lumagda ng kasunduan para sa Negosyo Center

LUNGSOD NG MALOLOS — Isang Memorandum of Agreement o MOA ang nilagdaan ng Department of Trade and Industry o DTI at pamahalang bayan ng Bustos para sa pagtatayo ng Negosyo Center.

Ayon kay DTI Provincial Director Ernani Dionisio, layunin nito na matulungang umunlad ang mga micro, small medium enterprises sa bayan gayundin ang mga mamamayan na nangnanais mag-negosyo.

At dahil nasa ilalim pa ng General Community Quarantine ang Bulacan, isang simpleng seremonya lamang ng pirmahan ng MOA ang isinagawa at hindi ang pormal na paglulunsad ng Negosyo Center.

Inabisuhan ni Dioniso ang mga taga Bustos na antayin na lamang ang anunsyo ng kanilang tanggapan kung kelan ang eksakto araw ng soft opening.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews