Eleksyon sa Zambales, payapang naisagawa

Mapayapang naisagawa ang Halalan sa Zambales.

Ayon kay Police Provincial Director PCol Fitz Macariola, walang naitalang election-related incidents sa lalawigan. 

Wala aniya naitalang liquor ban at gun ban violators sapagkat lahat ng komunidad ay nasabihan ng kapulisan patungkol sa violation na ito.

Sa usapin naman ng vote buying, sinabi ni Macariola na ang pulisya ay nakatanggap ng mga report ng di umanoy pagbili ng boto at illegal campaigning.

Aniya, bilang aksyon ay kanila itong pinupuntahan upang suriin kung totoo o hindi ang impormasyong natanggap ngunit paliwanag niya ay walang naaktuhan at nahuli ang kapulisan base sa kanilang isinagawang evaluation noong mga nakaraang araw. 

Dahil dito, ipinaabot ni Macariola ang kanyang paggalang at pasasalamat sa mga Zambaleño dahil sa kanilang kooperasyon sa mga ipinatutupad na alituntunin.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews