Hepe ng Pilar Police patay sa ‘accidental firing’

Dead on arrival sa ospital ang hepe ng Pilar PNP matapos umanong mabiktima ng accidental firing Lunes ng madaling araw sa Brgy Tapulao, Orani, Bataan. 

Base sa inisyal na ulat ng Orani Police, kinilala ni Police Major Larry Valencia, chief of police ng Orani, ang biktimang si Police Major Rizaldy Rubio, 43, anyos, nakatira sa naturang lugar sa Orani. 

Base sa asawa nito na si Police SMS May Rubio, nakarinig umano siya ng dalawang putok mula sa kanilang kawarto at nang puntahan ng mga umano niya ay duguan na itong nakahandusay sa sahig.

Dinala ito sa Orani District Hospital kung saan idineklarang dead on arrival. 

Kasalukuyang under investigation pa ang insidente as of press time. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews