Ika-56th satellite office ng COA sa bansa, binuksan sa Abucay, Bataan

Pinasinayaan na nitong nagdaang Hueves ang bagong tayong Commission on Audit-Provincial Satellite Auditing Office (COA-PSAO) sa Brgy. Calaylayan, Abucay, Bataan.

Ayon sa COA, ito ay ang ika-56 na satellite office ng Commission on Audit sa buong Pilipinas na naisakatuparan sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, Commision on Audit (COA), at Yunit Pamahalaang Lokal ng Abucay.

Ayon kay Bataan Governor Abet Garcia, ang bagong opisinang ito ang magiging daan para sa mas mabilis at mas maayos na sistema ng pagsusuri ng nasabing komisyon dito sa Lalawigan ng Bataan.

Nakasama ni Governor Garcia at Abucay Mayor Liberato P. Santiago Jr. sa inagurasyon sina COA Chairperson Rizalina Noval Justol, COA Commissioner Roland Cafe Pondoc, COA-3 Regional Director Omar Roque, Assistant Regional Director Chona Laxamana, Gng. Ana Santiago, mga Assistant Commissioners ng COA-Central Office at mga kawani ng COA Region 3 at COA-Bataan.