Isa patay, isa kritikal sa shooting incident sa Samal, Bataan

SAMAL, Bataan —  Dead on the spot ang isang lalaki habang kritikal naman ang anak nito matapos pagbabarilin sa harap ng kanilang tahanan sa Brgy Gugo, Samal, Bataan nitong Sabado.

Sa report ng PNP kinilala ang biktima na si Bong Mass, isang jeepney driver ng rutang Orani-Balanga at anak nitong lalaki  na si Gerald Mass.

Isinugod sila ng MBDA Medics sa Bataan General Hospital sa Lungsod ng Balanga at kasalukuyang nasa ICU dahil sa limang tama ng bala na tinamo nito sa katawan.

Sa imbestigasyon ng PNP kasalukuyang nasa labas ang mag-ama katabi ang motorsiklo nang dumaan ang isang lalaking nakapayong at nang magkaroon umano ng pagkakataon ay dito na malapitang pinagbabaril ang mag-ama.

Patuloy ang imbestigasyon ng PNP Samal at pagtugis sa salarin na ayon sa mga nakasaksi ay naglakad lamang papalayo nang masigurong patay na ang biktima. 

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com