Kapitolyo, nagkaloob ng tulong sa mga magsasakang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS — Nagkaloob ng mga shallow tube well at assorted vegetable seed ang pamahalaang panalalawigan sa mga magsasakang naapektuhan ng kakapusan sa patubig.

Pinangunahan ni Gobernador Daniel Fernando ang pagkakaloob ng tig-isang shallow tube well sa 39 Farmers’ Cooperative Associations o FCAs mula sa lungsod ng Malolos at mga bayan ng Bulakan, Calumpit, Paombong, Balagtas, Bocaue, Bustos, Guiguinto, Pandi at Plaridel.

Gayundin, 10 kooperatiba na kabilang sa FCAs ang pinagkalooban ng tig-isang water pump mula sa National Irrigation Administration. 

Nagpamahagi din ang Provincial Agriculture Office ng mga sari-saring buto ng gulay sa mga magsasakang apektado ng kakulangan ng irigasyon tulad ng buto ng talong, kamatis, ampalaya, patola, siling panigang okra, pechay, kalabasa, upo, sitaw at siling pula upang kanilang mapagkakitaan.

Samantala, nanawagan si Fernando sa mga nasa sektor ng pagsasaka na magkaisa at magtulungan lalo na sa oras ng kagipitan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews