Kapulisan sa Bulacan, may bagong hepe

LUNGSOD NG MALOLOS — Naupo na si PCol. Charlie Cabradilla bilang Acting Provincial Director ng kapulisan sa Bulacan.

Sa kanyang unang command conference, sinabi nitong ipagpapatuloy niya ang paglaban sa illegal na droga at kriminalidad.

Tiniyak niya na sa kanyang pamumuno ay magiging maayos ang pagdaraos ng Halalan sa Bulacan.

Pinalalahan din niya ang mga kapulisan sa ilalim ng kanyang hanay na maging neutral.

Bago ang pagtatalaga, si Cabradilla ay nagsilbing hepe sa bayan ng Bocaue at lungsod ng San Jose del Monte.

Siya din ay nagsilbing Deputy Provincial Director ng Pulis Bulacan noong 2016.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews