Karagdagang limang daang sundalo, kailangan ng Philippine Army

CAMP O’DONNELL, Capas, Tarlac — Nangangailangan ng karagdagang limang daang sundalo ang Philippine Army.

Ayon kay Training and Doctrine Command o TRADOC Commander Major General Casiano Monilla, ito ay bukas para sa mga aplikanteng edad 18-26 taong gulang, may taas na 5’0”, single, nakatapos ng kolehiyo o may 72 units sa kolehiyo, pasado sa Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test o AFPSAT at nais maging parte ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Dagdag pa ni Monilla, ang base pay ay aabot sa 29,668 piso na may ranggong Private.

Para sa mga interesado at kwalipikado, maaaring magtungo sa opisina ng G1 at TRADOC Recruitment Office sa Camp O’Donnell, Capas, Tarlac.

Maaari ding kontakin ang mga numerong 0916-254-1399 para sa karagdagang detalye at impormasyon. –Cherie Joyce V. Flores

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews