Konstruksyon ng P1.6-billion SFEX Capacity Expansion sinisimulan na

Kasalukuyan nang isinasagawa ang konstruksyon ng P1.6-billion Subic Freeport Expressway (SFEX) Capacity Expansion na magpapagaan sa biyahe ng mga motorista paloob at labas ng Subic Bay Freeport.

Ito ang inihayag ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) kung saan ang dalawang bagong expressway lanes kabilang ang tunnel at dalawang tulay sa Jadjad at Argonaut ay kasalukyang isinasagawa ang konstruksyon sa 8-kilometer SFEX upang ma-accommodate ang lumalaking bilang ng motorista gayundin upang mas mapag-ibayo ang road safety ng mga bumibiyahe rito.

Nabatid na sa kalaunan ay magtatayo rin ng mga expressway-standard LED lights para sa kaligtasan ng motorista partikular na sa mga bumibiyahe sa gabi.

“Our company believes that good infrastructure is necessary to expedite delivery of products and boost tourism. These SFEX improvements, which are expected to be completed by September 2020, all aimed at supporting trade and commerce in Subic and enhancing the travel experience of our motorists,” ayon kay NLEX Corporation President and General Manager Luigi L. Bautista.

Sinabi naman ni SBMA Chairman and Administrator Wilma T. Eisma, “this project will be instrumental in sustaining Subic’s position as a prime business and leisure hub as well as helping complement our infrastructure development program, which includes widening of Freeport roads and improvement of our airport, seaport, and other logistics facilities.”

Bukod sa pagsasaayos ng road capacity, kabilang sa nasabing proyekto ang pagpapataas ng Maritan Highway-Rizal Highway-Tipo Road junction at pagkumpuni at pagpapalawig ng drainage system para matugunan ang problema sa pagbaha sa naturang lugar.

Napag-alaman na ang nasabing proyekto ay gagawin at hahatiin sa 2 phase kung saan ang unang phase ay inaasahang matatapos sa Oktubre ng taong kasalukyan bago magsimula ang 2019 Southeast Asian (SEA) Games sa Nobyembre.

Habang isinasagawa ang road raising at flood control works, ang isang bahagi ng Maritan-Rizal-Tipo junction ay isinara mula July 13 kung saan ang mga motorista ay pinayuhan na dumaan sa itinakdang alternate routes ng Causeway Road at Argonaut-Kalayaan Access Road, ayon kay Kit Ventura, head ng NLEX Communication Office.

Humihingi naman ng pang-unawa at mahabang pasensiya ang SBMA at NLEX sa publiko kaugnay ng ongoing project sa idudulot nitong temporary traffic delays.

Sinabi pa ni Bautista na habang mayroong lane closures, ang SFEX ay maaari pa rin madaanan ng ano mang uri ng sasakyan dahil kalimitan isasagawa ang construction activities sa mga roadsides ng kalsadahan.

“We’d like to assure everyone that together with SBMA and our contractor, we are doing everything possible to finish as scheduled, lessen the disturbances caused by the construction, and more importantly ensure utmost public safety and comfort,” ani Bautista.

“This would exact some toll on the quality of work and leisure environment in Subic, as we have several infrastructure projects going on at the same time. But bear in mind that these are investments for a better future,” dagdag naman ni Eisma.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews