Lalaki binaril ng kainuman, patay!

Patay ang isang lalaki makaraang barilin ito ng kanyang kainuman sa Barangay Tabing-ilog, Bagac, Bataan, ganap na 6:30 ng Hueves ng gabi.

Base sa ulat mula sa Bagac PNP, kinilala ang biktimang si Rudy Magtanong, legal age, habang ang suspek ay nakilalang si Romulo Perez, 64 anyos, kapwa residente ng nabanggit na barangay. 

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na magkainuman umano ang dalawa kasama ang isa pang saksi na si Reden Velasco, 35 anyos, nang bigla umanong tumayo ang suspek at pumasok sa kanyang tahanan at nang bumalik ay walang sabi-sabing binaril ang biktima gamit ang improvised shot gun.

Naireport ang naturang shooting incident sa PNP ilang minuto ang lumipas at nang rumesponde ay natagpuan ng mga otoridad ang wala nang buhay na katawan ng biktima na dinala sa Bagac Medicare and Community. 

Ang suspek ay kaagad na naaresto at nasa kustodiya ngayon ng Bagac PNP para sa kanyang proper documentation at disposition.

Leave a Reply

Your email address will not be published.