SK Kagawad, backrider patay sa Dinalupihan road crash 

Patay ang dalawa katao kabilang ang isang SK Kagawad sa naganap na road crash, Hueves ng madaling araw sa OG Road, Brgy Luacan, Dinalupihan, Bataan.

Ayon sa report mula kay Bataan Police Director, Police Col. Romell Velasco, kinilala ang mga biktimang sina Joshua Garcia, 26 anyos, SK Kagawad sa Brgy Layac, at backrider na si Jayson Valmadrid, 26, taga Sto. Niño, Dinalupihan, Bataan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, binabagtas ng mga biktima ang naturang highway lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Dinalupihan nang mabangga umano sila ng isang Mazda car na may plate number ZJH 978 na minamaneho ni Oliver Del Rosario, 26, taga Barangay Saguing, Dinalupihan, Bataan. 

Namatay on the spot ang mga biktima dahil sa grabeng pinsala sa ulo habang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage tp property ang driver ng nabanggit na kotse.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews