Likha ng Bataeños Trade Fair binuksan sa Balanga City

 9 

Pormal na binuksan nitong Mierkoles ang Likha ng Bataeños Trade Fair ng DTI Bataan sa Waltermart Balanga City, Bataan.

Ayon kay DTI Bataan Provincial Director Nelin Cabahug, umabot sa 49 ang mga exhibitors ang sumali na nagtatampok ng mga produktong Bataeño mula ngayong Mierkoles, Oktubre 27 hanggang sa Biernes, Oktubre 29, 2021.

Sa naturang bilang, 33 ang food products at 16 naman ang non-food na mga micro, small at medium enterprises o MSMEs ng Bataan ang lumahok sa Likha ng Bataeños Trade Fair. 

Nitong katatapos na Likha ng Central Luzon Trade Fair kamakailan na ginanap naman sa SM City Olongapo Central ay nakapagtala ng P922,301 halaga ng benta o sales ang mga lumahok na MSMEs ng Bataan.