Mag asawa patay sa rumagasang container truck

Dalawa ang iniulat na nasawi na kapwa mag-asawa matapos araruhin ng rumaragasang container truck ang sinasakyan nitong tricycle sa kahabaan ng Manila North Road, Barangay Wakas, Bocaue, Bulacan Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Laureano Mendoza , 50, at ang  live-in partner nito na si Jennifer Tarog, 51, rice miller, kapwa residente ng #1333, Brgy Caingin, Bocaue, Bulacan.

Base sa panimulang imbestigasyon, naganap ang trahedya bandang alas-2:15 ng hapon habang ang mga biktima ay sakay ng isang tricycle nang sila ay araruhin at kaladkarin ng container truck na  Isuzu Tractor Head Truck with plate no. RLX-142 na minamaneho ni  Juanito Singson Jr, 38, may-asawa, residente ng  # 007, Tabing Ilog, Libtong, City of Meycauayan, Bulacan.

Ayon sa mga nakasaksi, ang  dalawang biktima na kapwa magka-angkas sa tricycle nang ito ay matagis ng truck sa gilid ay natangay ang mga biktima at nakaladkad kung saan kapwa nagkalasog-lasog ang mga katawan na dahilan ng kanilang pagkasawi.

Napagalaman na lima pang sasakyan ang nadamay sa insidente nang tuloy-tuloy na araruhin ng naturang truck ang mga sasakyan sa harapan nito kabilang ang tricycle ng mga biktima.

Nabatid na nawalan umano ng kontrol ang nasabing killer truck nang mawalan umano ito ng preno dahilan upang sunod-sunod na suruin nito ang mga sasakyan.

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek na ngayon ay nakapiit sa Bocaue Police Station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews