Mahigit P3-bilyon budget ng LGU-Bataan, naipasa na ng SP Bataan

Pormal nang naipasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan ang mahigit 3 bilyong pisong budyet ng Pamahalaang Panlalawigan para sa taong 2023.

Ayon kay Bataan Governor Joet Garcia, ito ay tinaguriang “Matatag na Pamilyang Bataeño Budget” na may kabuuang halagang Php 3,003,216,000. para sa mga programa at proyektong pangkaunlaran sa Bataan. 

Ang nasabing budget ayon pa sa Gobernador ay nakatuon sa vision ng Pamahalaang Panalalwigan na mas patatagin at paunlarin ang pamumuhay ng bawat pamilyang Bataeño kung saan ang nais aniya na ang bawat serbisyo ng pamahalaan ay nakararating at nararamdaman ng bawat mamamayan nito. 

Pinasalamatan naman ni Governor Garcia ang mga bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan sa pangunguna ni Vice Governor Cris Garcia sa mabilis na pagpasa ng 2023 budget at sa pagiging katuwang ng kanyang tanggapan sa pagsusulong ng mga resolusyon at ordinansa para sa kapakanan ng bawat pamilyang Bataeño.

Leave a Reply

Your email address will not be published.