Mariveles Vice Mayor Rubia at 7 konsehal nanumpa na sa tungkulin

MARIVELES, Bataan — Isinagawa ngayong Lunes ng umaga ang panunumpa sa tungkulin o oath taking ceremonies nila Mariveles Vice Mayor Angelito Rubia at ng pitong myembro ng Sangguniang Bayan sa Romalaine’s Restaurant and Resort.

Nagsilbing administering officer  si Judge Damaso P. Asuncion Jr. ng Mariveles MTC.

Sumaksi ang 17 punong barangay ng Mariveles, mag-amang sina ex-mayor Jesse Concepcion at ex-mayor Ace Jello Concepcion kasama ang kanilang pamilya, mga taga suporta at kaibigan.

Nitong araw ng Linggo mnaman ay nauna nang nanumpa ang bagong alkalde ng Mariveles na si Mayor Jocelyn Castañeda at Councilor Jaja Castañeda at sinaksihan naman ng Kapitan ng Balon Anito at mga taga suporta ng bagong alkalde.