Mayor Jopet at Rep. Roman nanguna sa ika- 112 Araw ng Kasarinlan sa Hermosa, Bataan

HERMOSA, Bataan – Kasabay ng pagdiriwang ng Ika-121 Taong Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas sa buong bansa ay pinangunahan ni Hermosa Mayor Jopet Inton ang pormal na selebrasyon sa Plaza ng Hermosa, Bataan nitong Mierkoles ng umaga.

Dinaluhan din ito ng mga kasalukuyan at mga bagong halal na lingkod bayan ng Hermosa kabilang sina Vice Mayor-elect Eigie Malana at mga myembro ng Sangguniang Bayan ng Hermosa (SB Hermosa). 

Naging panauhing pandangal si Kinatawan ng Unang Distrito ng Bataan, Congresswoman Geraldine Roman na siyang ring naging tagapanguna sa panunumpa sa tungkulin ng ilang myembro ng SB Hermosa.

Matapos nito ay nagtungo rin si Kinatawan Roman sa bayan ng Samal na nagdiwang din ng Araw ng Kalayaan at sinakasihan ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na lokal na opisyal ng Samal sa pangunguna ni Mayor-elect Aida Macalinao.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews