Mayor Jopet namahagi ng welding starter tool kits sa Hermosa, Bataan

Pinangunahan ni Hermosa Mayor Jopet Inton ang pamamahagi ng mga welding starter tool kits sa 86 benepisyaryo sa bayan ng Hermosa, Bataan nitong Mierkoles, April 7, 2021.

Ayon kay Mayor Inton, ito ay upang maibsan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa kabuhayan ng kanyang mga kababayan at ekonomiya kaya’t nakipag tulungan ang Hermosa LGU sa TESDA, kasama ang PESO upang makapagkaloob ng mga welding starter tool kits para sa 86 Hermoseñong benepisyaryo. 

Kasama sa pamamahagi ng mga starter kits sina Ofel Datu mula sa PESO, Provincial TESDA Director Julie Ann Banganan at kanyang staff, at Acuña Welding School personnel.

Ang mga starter tool kits ay tinanggap ng mga nagtapos ng SMAW II at GTAW NC II Training sa Acuña Welding School Inc. 

“Ang mga welding kits po na ito ay galing sa AANGAT TAYO Party List at MAGDALO Party List. Naglalaman ang kits  ng Inverter Welding Machine at mga accessories, Portable Grinder at Welding Mask,” sabi pa ni Mayor Inton. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

code