Mga Pampangeño, nakitakbo at nakipagbasaan sa Fiesta Communities!

Agosto 20, 2017, MINING, ANGELES, PAMPANGA – Sa pagsusulong ng aktibo at masiglang pamumuhay, inilunsad ng FIESTA Communities Mining ang FIESTA Run – takbuhan na may kasamang basaan!

Maraming tao mula sa iba’t ibang lugar ang nakitakbo at nakipagbasaan gamit ang water guns at water balloons na handog ng FIESTA Communities sa mga nakilahok. Mas naging masaya pa ang pagtakbo ng mga runners dahil sa sabuyan ng tubig habang naguunahan sa finish line.

Ikinatuwa ng marami ang aktibidad na ito ng FIESTA Communities dahil sa naging puno ito ng tawanan at kasiyahan na pambarkada na, pampamilya pa!

“Nakakatuwa kasi maganda na yung pagtakbo sa katawan, ginawa pang masaya dahil sa mga pakulo ng Fiesta!” – Zarah Muan, Participant

Bukod pa sa saya, namigay din ng papremyo ang FIESTA Communities sa mga naunang nakatapos ng marathon.

1st Place: Melvin Canlas
2nd Place: Mark Canlas
3rd Place: Nelson Ligtas

Asahan na maghahatid pa ang FIESTA Communities ng ganitong mga aktibidad na kapakipakinabang na, masaya pa! –Press Release

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews