Negosyante at driver, patay sa drowning incident sa Bataan

Dead on arrival sa ospital ang dalawa katao sa naganap na drowning incident sa isang beach resort sa Brgy. Sabang, Morong, Bataan, Martes ng hapon.

Ayon sa inisyal na ulat mula sa Bataan Police Provincial Office kinilala ni Bataan Police Director, Police Col. Romell Velasco ang mga biktimang sina Joerge Pangilinan, 58 anyos, negosyanteng taga Marilao, Bulacan at ang driver nito na si Ricky Geronimo, 58, residente rin ng nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon ng PNP sa isang saksi, naganap ang insidente ganap na alas kwatro ng hapon nitong Martes sa Adelle Beach Resort kung saan tinangay umano ng malalaking alon ang dalawang biktima at napadpad sa may 20 hanggang 30 metrong layo mula sa shoreline ng naturang resort, na nauwi sa pagkalunod ng dalawa.

Nang marekober ang katawan ng mga biktima ay kaagad na isinugod sa Morong Rural Health Center subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.(

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews