Negosyante patay sa ambush sa Bataan

Patay ang isang lalaki matapos tambangan, Martes ng umaga, sa Daang Mabatang, Sitio Gasak, Brgy. Mabatang, Abucay, Bataan.

Ayon sa ulat mula kay Bataan Police Director, Police Col. Romell Velasco, kinilala ang biktimang si Fernando Forbes, 73 anyos, dragon fruit farm owner, residente ng Brgy. Mabatang, Abucay, Bataan.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, lulan ang biktima ng kanyang Wrangler Jeep (RCR-266) papasok sa kanyang farm nang bigla umanong may dumating na dalawang lalaki at ang isa dito ay bigla na lamang binaril ang biktima sa ulo at dibdib saka mabilis na tumakas.

Ayon sa mga nakasaksi nakasuot umano ng pula at red shirts ang dalawang suspek na armado ng short firearms at tumakas lamang sa pamamagitan ng pagtakbo.

Kasalukuyan ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP hinggil sa motibo sa naturang krimen habang patuloy ang manhunt at follow-up operation sa mga hindi pa pinangalanang mga suspek. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.