NGO, magsasagawa ng mobile blood donation activity sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS — Nakatakdang magsagawa muli ng mobile blood donation activity ang Damayang Filipino Movement, Inc. o DFMI katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ngayong Hulyo 26, Biyernes sa capitol gymnasium.

Ayon kay Gobernador Daniel R. Fernando, layunin ng naturang aktibidad na tulungan ang mga Bulakenyong higit na nangangailangan na malunasan ang karamdaman.

Hinihikayat ng punong lalawigan ang mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan gayundin ang mga kawani sa nasyunal at lokal na ahensya, mga boluntaryo at iba pang Bulakenyo mula sa iba’t ibang sektor na magkaloob ng dugo at makatulong sa pagsagip ng buhay.

Inaasahang aabot sa 500 ang boluntaryong magdodonate ng dugo para sa nasabing aktibidad.

Para sa iba pang impormasyon, maaring tumawag sa Governor’s Office-Personal Staff sa telepono bilang 09175040462 at hanapin si Rosabel Porteria. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews