NLEX, SCTEX pinabilis ang sistema ng electronic toll collection

LUNGSOD NG MALOLOS — Pinabilis ang sistema ng electronic toll collection sa North Luzon Expressway o NLEX at Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCTEX partikular ang radio frequency identification o RFID upang hikayatin ang mga motorista sa contactless payments at masiguro ang physical distancing sa mga toll booth sa panahon ng pandemya ng coronavirus.

Ayon kay NLEX Corporation President at General Manager J. Luigi L. Bautista, kabilang sa kanilang iniayos ang realignment at relokasyon ng RFID antennas at sensors para sa mas mabilis na pagbasa.

May 72 linya mula sa Balintawak hanggang sa Tarlac at Tipo ang eksklusibong nakalaan para sa mga may RFID stickers at 28 naman sa mga mixed lanes na tatanggap ng cash at electronic payments.

Pinalitan na din ng tollway company ang mga lane status inidicator upang mas malinaw na makita ng mga motorista lalo na sa gabi. 

Maging ang web servers ng RFID ay natapos ng i-upgrade para sa maraming transaksyon at modipikasyon ng mga payment lanes sa toll plaza upang makita ng motorista ang balance sa RFID at EasyTrip.

Dagdag pa ni Bautista, kinikilala nila ang kahalagagahn ng digital technology upang mabigyan ng kaginhawaan ang kanilang kliyente para sa mas mabilis na transaction sa toll booths gayundin maiwasan nito ang pagkalat ng sakit na COVID-19.

Samantala, maari ng magpalagay ng RFIC stickers at mag-load sa mga reloading sites sa Balintawak, Bocaue, Mindanao, Karuhatan at Angeles toll plazas.

Bukas din ang installation at reloading sites sa tulad sa NLEX Drive and Dine, Petron Marilao, Petron Bocaue at Shell Burol. Bukas ang mga nasabing establisyimento Lunes hanggang Sabado mula 8:00AM hanggang 5:00PM. 

Maari rin makakuha ng Stick-it Yourself RFID sa pamamagitan ng online at makukuha rin sa NLEX-SCTEX toll booths sa Meycauayan Southbound, Marilao Southbound, Bocaue Interchange Southbound Exit, Balagtas, San Fernando Northbound, Dinalupihan at Tarlac. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews