P1.08M halaga ng shabu nasabat sa HVT sa Hermosa, Bataan

Umabot sa mahigit isang milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang naaresto sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Mambog, Hermosa, Bataan, Hueves ng gabi.

Ayon sa ulat mula kay Police Major Emerson Coballes, hepe ng Hermosa PNP, kinilala ang mga nadakip na sina Danilo Resurreccion, alyas Suave Lagalag, 55 anyos, isang high value target at nakatira sa Brgy. Mambog, Hermosa, Bataan at Samsudin Abubakar, 28 anyos, may asawa at residente ng Malagapas, Cotabato City.

Nakuha sa mga suspek ang isang ice plastic bag na may lamang suspected shabu na may bigat na 160 gramo na may DDB estimated value na P1,088,000, isang medium sized heat sealed na may lamang suspected shabu, 1 leatherette pouch, isang black sling bag na may lamang caliber. 45 handgun na walang serial number at 4 na bala nito, at P12,000 buy-bust boodle money. 

Dinala ang mga nadakip sa himpilan ng Hermosa Police habang inihahanda ang pagsasampa ng mga kasong paglabag sa R.A. 9165 at R.A. 10591. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.