P105-M inilaan para pagpapahusay ng kundisyon ng SFEX

 7 

Naglaan ang North Luzon Expressway o NLEX Corporation ng 105 milyong piso para sa pagpapahusay ng kasalukyan kundisyon ng Subic Freeport Expressway o SFEX. 

Ang nasabing pondo ay inilaan para sa pag-upgrade ng surface pavement ng expressway gayundin ang konstruksyon ng kanal at slope protection.

Kasama rin sa popondohan ang paglalagay ng guard rails, aplikasyon ng hazard paint upang mas maging ligtas sa motorista ang paggamit ng nasabing kalsada.

Ayon kay NLEX Corporation President J. Luigi Bautista, ninanais ng kanilang kumpanya na maging ligtas ang expressways maging sa ano mang kalagayan ng panahon.

Ani Baustista, ang pagtataas ng kalsada ay tutulong upang mabilis ma-drain ang tubig sa panahon ng malalakas ang pag-ulan.

May kabuuang haba anya ito na 4,374 linear meters sa pagitan ng Jadjad at Argonaut bridges.

Patatatagin din ng slope sa pamamagitan ng paglalagay ng wire mesh, pag konkreto sa 1,830 metro kuwadrado bahagi ng SFEX upang pigilan ang pagguho ng lupa at pagpintura ng mga hazard warning marking sa mga concrete barriers at iba pang istruktura sa loob ng expressway upang maging babala sa motorista sa mga potensyal na panganib.

Matatandaan na noong Pebrero ng 2021 natapos na ang expansion ng SFEX kung saan may kabuuan 16.4 kilometro, dalawang bagong tulay at isang tunnel ang ginawa mula sa sa 1.6 bilyong pisong expansion project. (CLJD/VFC-PIA 3)