Para kay VP Leni, ilang araw na lang at malapit nang makita ang pinapangarap na pagbabago

Muling ipinaalala ni VP Leni sa lahat kung ano ang nakataya sa laban na ito, hindi lang para palitan ang bulok at hindi patas na pulitika, ng isang gubyernong tapat at mapagkalatiwalaan, kundi para maiangat din ang antas ng buhay ng bawat Pamilyang Pilipino lalo na ang mga nasa laylayan, na halos mawalan ng pag-asa sa kasagsagan ng pandemya.

Dagdag ni VP leni Robredo, ang angat buhay Pilipino ay isang malawak na plano para sa economic recovery plan. Hindi lang ito pangakong ibababa ang presyo ng bigas, kuryente o gasolina, dahil may mga solusyon sa mga nakaugat na problema.

Ayon kay VPLeni Robredo, naniniwala siyang ang taungbayan ang sentro sa pagbawi ng ekonomiya. Unang priyoridad ang kakulangan ng sapat na kabuhayan. Kung mawalan ng trabaho, may 3 buwang ayuda at kung hindi pa rin makahanap ng kapalit, nanindigan si VPLeni na gubyerno mismo ang magbibigay ng trabaho sa inyo.

Hindi hadlang ang edad o kasarian para makapaghanap buhay. Maaari ding magtraining para sa dagdag na kaalaman at kakayahan. Sisiguraduhin din ni VP leni robredo ang kalusugan ng bawat Pilipino.

Aayusin ang Philhealth. Tatanggalin ang katiwalian at kawalan ng kakayahan, para makapagsilbi ng maayos. Para kay VP leni, Dapat bawat pamilya ay may access sa libreng doktor. Pagandahin pa lalo ang 4ps at Isasama sa conditional

Cash transfer ang mga nanay at kanilang sanggol sa unang 1,000 days para tiyak ang kalusugan ng mag-ina.

Kasama rin sa mga plano ni VP Leni na Palawakin ang school feeding program, sa public primary at secondary schools para hindi nagugutom ang mga bata. Sa tamang paggamit ng pondo ng gobyerno, matutulungan ang mga magsasaka at mangingisda para ibaba ang presyo ng pagkain. Susuriin ang sistema ng edukasyon. At tututukan ang mga reporma.

Giit ni VP Leni, Bago pa man magpandemya, meron nang education crisis, kaya ang unang kailangang gawin, dagdagan ang budget para matugunan ang kakulangan ng sektor. Titiyakin ang kalidad ng edukasyon ng ating mga anak.

Priyoridad ng Angat Buhay Pilipino, ang iba pang sektor tulad ng agrikultura, pangisdaan, tursimo, transportasyon, manufacturing at infrastructure. Palalakasin ang private-public partnership at tatawid sa digital economy. pakiusap ngayon ni Vp Leni, walang bibitiw.

Dahil kasama ang bawat Pilipino sa pagtatag ng isang gubyernong tapat sa May 9. At pagnaiangat ang lahat lalo na ang mga nasa laylayan, gigising tayo sa kulay rosas na bukas.

Sa pagtatapos ng ating kampanya, magsisimula ang kulay rosas na bukas para sa Pilipinas! (Dante M. Salvaña

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

code

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com