Phil. Sports Training Center itatayo sa Bataan

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang groundbreaking ceremony ng Philippine Sports Training Center (PSTC) sa Barangay Parang, Bagac, Bataan, Biernes ng hapon.

Itatayo ito sa 250,000 square meters na land area na naidonate ng Bataan Provincial Government sa Philippine Sports Commission sa seremonyang naganap noong May 18, 2021 na sinaksihan ni Senator Bong Go.

Dumaan ito sa proseso ng ocular inspections, feasibility studies at diskusyon pati na ang change of site bago naisagawa ang groundbreaking ceremony.

Bilang pangunang pondo ay naglaan ang national government ng P3.5B seed money para sa proyektong ito alinsunod sa R.A. 11214 o ang PSTC Act.

Kasama ng Pangulo sina Senator Bong Go, PSC Chairman Butch Ramirez, Bataan Gov. Abet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia, 2nd District Rep. Joet Garcia, Congresswoman-elect Gila Garcia, Pusong Pinoy Partylist Rep. Jett Nisay, Bataan Mayors and Board Members, Capitol officials at ilang national athletes sa naturang okasyon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

code

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com