PNP-HPG member, huli sa Mabalacat buy bust

Mabalacat City – Kalaboso ang isa umanong miyembro ng Philippine National Police sa isang drug buy bust operation na isinagawa ng Mabalacat City PNP sa pangunguna ni PLt. Col. Eduardo Guevara sa Barangay Sapang Biabas kahapon ng madaling araw.

Arestado si Francisco Ganao, 47, residente ng Metro Clark Subdivision, Sapang Biabas at kasalukuyang nahaharap sa mga kasong violation of RA 9165 (drugs) at RA 10591 (illegal possesion of firearms). Humigit kumulang sa P100,000 ang halaga ng nasamsam na pakete ng hinihinalang shabu mula sa suspek.

Nagpakilala si Ganao bilang aktibong miyembro ng Philippine National Police at diumano’y kasalukuyang nakadestino sa HPG, Camp Crame, Quezon City.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews