Rigodon at balasahan sa BoC, hilaw?

Tila naunahan na sa galaw si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ni Bureau of Customs (BoC) Commissioners Ray Leonardo Guerrero ng balasahin nito ang ilan sa kanyang mga Port Collectors na naiiulat at naiiugnay sa korupsiyon. Ito ang usapan sa loob ng nasabing ahensiya makaraan magkaroon umano ng hilaw na balasahan na tila nag-regodon lamang sa puwesto ang mga port collectors.

Noong nakaraang linggo, umugong na agad ang pagpapalit sa pwesto nila Manila International Container Port (MIPC) District Collector Atty. Erastos Sandino B. Austria na biglang nailipat sa Port of Davao, at pinalitan ni District Collector Guillermo Pedro A. Francia na dating kolektor ng Limay Port. Ito ay bago maghayag si Pangulong Duterte noong Biyernes sa inagurasyon ng Chen Yi Agventures Rice Processing Complex sa Alangalang, Leyte na sa kanyang pagbabalik sa Maynila ngayong linggong ito ay magtatanggal siya ng mga tiwaling opisyal sa Bureau of Customs.

“When I go back, I would be firing more from the Bureau of Customs,” sabi ng Pangulo. Maari ngang naunahan si pangulo ni Commissioner Jagger dahil na rin sa ipinagmamalaki nitong si Austria na tanging si Pangulong Duterte lamang ang kanyang susundin kung siya ay patatalsikin na sa serbisyo sa BoC.

NApabalitang ipinagyayabang umano ni Austria na si Pangulong duterte ay tumayong “ninong” niya sa kanyang kasal. At bilang military man naman si Jagger ‘calculated move’ naman ang ginawa nito dahil kung itinapon na si Austria sa Davao, tanging ang mag-ninong ang pwedeng magusap lamang sa kaso ng dating MICP Port Collector.

Ito ay kasabay na rin ng pagsasampa ng kaso laban sa ilang indibiduwal at ilang kawani ng BoC kaugnay ng pagkawala o pagpapakawala ng 641 container sa Port of Manila (POM) noong Marso 28 hanggang Agosto 6 ng taon 2018.

Ang POM ay nasa pangangasiwa ng mga panahong iyon ni Austria. Sa ngayon ayon sa source mula sa MICP at POM na tinatauhan na umano ni Atty. Arsenia C. Ilagan na pumalit kay Atty. Ma. Rhea Gregorio na binato sa Port ng La Union, na ang dalawang bagong kolektor ang siya namang nangiipit ng mga kargamento ng ating mga importer.

Napag-alaman na ito raw si Francia at Ilagan ay sinasabing hataw umano sa pagpapataas ng taxes at duties upang makilala ang lahat ng “players” na nagpaparating ng mga kargamento at upang mapagusapan kung paano pagagandahin ang bigayan umano ng “tara.”

Kaya naman ang parating para kay Commissioner Jagger, tila “same dogs lang but different collar.” Nabatid pa na wala pa diyan ang labing lima pang nagkalat ng ports sa bansa na pinagbabalasa rin.

Ang pasaring kay commisioner ay dapat umano ang mga opisyal na corrupt ay pinagsisibak at hindi yung ililipat lang ang kanilang kaharian kaya hindi maiwasan na isiping tama ang source ni senador lacson na nakikinabang din umano ito sa tarahan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews