Samal LGU may bagong 4 na garbage trucks

Matapos ang tradisyunal na flag raising ceremony nitong Lunes ay binasbasan ang bagong apat na garbage collector vehicles ng Samal LGU.
Pinagunahan ito ni Rev. Father Jayson Paule at ng mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Samal sa pangunguna ni samal Mayor Aida D. Macalinao.

“Ang mga garbage collector vehicle na ito ay makakatulong upang higit na maiayos natin ang koleksyon ng ating mga basura nang ligtas din ang ating mga garbage collectors,” pahayag ni Mayor Macalinao.

Samantala, kasabay din nito bilang pagsunod sa ordinansa ng lokal na pamahalaan, kasama ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Jun Espino at ni Office of Senior Citizen’s Affairs (OSCA) head Josephine Pagaduan ay ginawaran naman ng cash incentives ang mga senior citizens na may edad 90-99. 

Kabilang sa mga nabiyayaan ng naturang insentibo ay sina Lola Juanita Dadural ng Brgy. San Juan, Lola Serenidad Antonio ng Brgy. East Daan Bago, Lola Rosa Dominguez ng Brgy. Sapa, Lola Virginia de Leon ng Brgy. East Calaguiman at Lola Milagros Bugay ng Brgy. Sta. Lucia. 

Kapag sumapit sa ika-100 taong kaarawan ay makakatanggap naman sila ng tig P100,000 mula naman sa DSWD.