Senador Bato, panauhing pandangal sa ika-121 Araw ng Republika

LUNGSOD NA MALOLOS — Si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang magsisilbing panauhing pandangal sa Ika-121 Anibersaryo ng Araw ng Republikang Filipino, 1899 sa Pook Pangkasaysayan Simbahan ng Barasoain ngayong Huwebes, Enero 23.

Ayon kay Barasoain Museum curator Ruel Paguiligan, ideneklarang walang pasok sa buong lalawigan sa nasabing petsa upang bigyan ng panahon ang bawat Bulakenyo na makiisa sa selebrasyon.

Kabilang sa magiging highlight ng programa sa Huwebes ang pagtataas ng watawat, pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Heneral Emilio Aguinaldo at mensahe mula sa mga lokal na opisyal at kay Dela Rosa.

Sentro ng pagdiriwang ngayong taon ang temang “Unang Republika Filipina: Pundasyon sa Pagpapatatag ng Bansa.” 

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com