SMX Clark

Muli po ang DOBLE VISTA ay nagpupugay sa ating malugod na tumatangkilik sa kauna-unahang online news sa Gitnang Luzon – ang iOrbitNews.

Muli, bubusisiin natin and mga mahahalagang issues sa ating lipunan na may kaugnayan sa ating lahat.

Noong Martes, ating nasaksihan ang ground breaking para sa itatayong SMX Convention Center sa area ng SM Clark kasabay nito and expansion program ng Park Inn by Radisson Hotel. Ang SMX Clark na itatayo sa 4,000-square meter na lupain ay magkakaroon ng tatlong trade halls, tatlong function rooms at 14 meeting rooms. Layunin ng SM Group na maging sentro ng MICE o tinatawag na ‘meetings, incentives, conventions, events’ na magtataguyod sa SMX bilang pangunahing events venue sa Clark.

Ang SM Group ay bubuhos ng P1 billion investment sa dalawang prohekto. Ayon pa kay Mrs. Peggy Angeles, Executive Vice President ng SM Hotels and Convention Corporation ang “”SMX Clark ay magiging “second stand-alone convention center katulad ng SMX Manila.”

Ayon naman kay Neil Rumbaoa, SMHCC Vice President for Marketing, isang tulay ang maguugnay sa pagitan ng SMX Clark papunta ng SM Clark at Park Inn Hotel.

Ang expansion program naman ng Park Inn Clark ay magkakaroon pa ng karagdagang 100 rooms sa kabila ng current 150 rooms ng hotel.

Ayon kay Park Inn Hotel Manager Ann Ulalo, layunin ng Park Inn Clark na magbigay ng isang modernong serbisyo at makabuluhang hotel experience.”

Ang mga prohekto ay gagawin ng SM Group dahil sa napakalaking demand para sa mga ito, ayon pa kay Ulalo.

Isang multi-level parking din ang gagawin sa pasilidad upang matugunan ang problema sa parking.

Parang kailan lamang na ang area ng SM Clark ay parking area ng California Bus Lines noong panahon ng mga Amerikano sa Clark. Ngayon isa na itong sentro ng kalakalan.