Sound system ipamamahagi sa lahat ng Samal public schools

SAMAL, Bataan — Bibigyan ng lokal na pamahalaan ng Samal (LGU Samal) ng public address o PA at sound system lahat ng pampublikong paaralan sa bayang ito.

Ito ang iniulat ni Samal Mayor Aida Macalinao sa isinagawang pasinaya sa ikatlong Negosyo Serbisyo sa Barangay na pinangunahan ng DTI Bataan nitong nagdaang Biernes sa Barangay Imelda.


Sa bayan ng Samal ay mayroong sampung paaralang pang elementarya at tatlong high school.

Inisyal na mabibiyayaan ng sound system ay ang Samal North Elementary School, and Samal South Elementary School.

Sa kanyang pagsisimula sa tungkulin bilang bagong alkalde ng Samal ay personal na inaalam ni Mayor Macalinao ang bawat hinaing at problema ng kanyang mga nasasakupan. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews