Summer Sports Clinic bukas na para sa mga kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS — Nagsimula na ang Summer Sports Clinic para sa mga kabataang Bulakenyo upang mahasa sa iba’t ibang larangan ng pampalakasan ngayong bakasyon.

Ito ay programa ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office o PYSPESO sa pakikipagtulungan sa Bulacan Sports Council Federation Inc.

Kabilang sa mga itinuturo ang swimming, athletics, arnis, aikido, badminton, basketball, table tennis, lawn tennis, volleyball, taekwondo, chess, gymnastics, football, futsal, at dance sports.

Ayo kay Gobernador Wilhelmino Sy Alvarado, maganda na nagsasanay na ang mga kabataan sa mga sports clinic dahil dito nangagaling ang mga manlalaro ng Bulacan na susunod na kampeon sa Central Luzon Regional Athletic Association meet, State Colleges and Universities Athletic Association o maging sa Palarong Pambansa.

Ginaganap ang lahat ng sports clinic sa Bulacan Sports Complex na may Olympic size swimming pool.

Para sa kumpletong iskedyul ng mga sport activities at ilan pang katanungan, maaring tumawag sa PYSPESO sa mga numerong (044) 305-3536, (044) 791-9252, o 09973371877.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews