Suspected salvage victim natagpuan sa SCTEX

Natagpuan ng mga otoridad ang isang walang buhay na katawan ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage sa shoulder lane ng kilometer 136 + 900 ng SCTEX sakop ng Brgy Maite, Hermosa, Bataan, Linggo ng madaling araw. 

Ayon sa ulat ni Hermosa Police chief, Police Major Emerson Coballes, ang biktima ay may taas na 5’6″, nakasuot ng white tshirt, white shorts at brown Gucci belt.

Bukod dito duguan ang mukha ng biktima at may mga hiwa sa ulo at mukha, nakatali ng packaging tape

ng mga paa at kamay nito at may nakasumpal na tela sa bibig nito.
Ayon pa kay Major Coballes hinihinalang pinatay ito sa ibang lugar saka itinapon sa naturang bahagi ng SCTEX.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa pagkakakilanlan at motibo sa nabanggit na krimen.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews